Kanina lamang ay ginaganap ang Thanksgiving Party ni President Rodrigo Roa Duterte sa Crocodile Park Concert Grounds sa Davao City.
Maraming tao ang dumalo sa nasabing pagdiriwang at hindi pinayagang makapasok ang national media sa event at awtorisadong Davao City Media lamang. Ngunit may Live Streaming ito sa social media na pinanood ng napakaraming mamamayang pilipino.
Maayos ang takbo ng programa at tuloy tuloy ang performances ng kanilang mga guests. Nag-speech din ang member ng cabinet ni Duterte na si Senador Allan Peter Cayetano pagkatapos nito ay nagsalita na ang panglabing-anim na pangulo ng Pilipinas na si President Rodrigo Roa Duterte.
Bandang alas-diyes ng gabi ng umulan sa Davao City at naligo ang mga supporters/kababayan ni Duterte sa Davao City at bandang alas-onse ng gabi ng biglang nawalan ng kuryente kasabay noon ang pagkakadisconnect ng mga Live Streaming na naging dahilan para hindi makanood ang mga tao.
Sinabutahe daw ito sabi ng mga supporters ni Duterte, pero hindi pa kilala ang nananabutahe sa kanyang Thanksgiving Party at kung meron man at makilala niya ito ay kanya itong kakausapin ng maayos.