Sponsored Link


12-anyos na lalaki, sinilaban ng buhay ng kapwa batang hamog.

Isang batang hamog ang sinunog ng buhay ng kanyang kapwa batang hamog dahil sa hindi binigay ang kanyang pera pambili ng solvent.

Ayon sa mga nakasaksi ng pangyayari, pinagtulungan daw ng tatlong menor de edad at sinunog ang biktimang si Jomar. Tumangging magpakilala sa camera ang witness na itago natin sa pangalang Carla, dahil daw ito sa kanyang takot kaya hindi niya napigilan ang pagsunog ng mga menor de edad sa nasabing krimen.

Pansamantalang inilagak sa Manila Central Police District ang 12 anyos na lalaki at papalayain din kapag kinuha ng magulang sa bilangguan.

Panoorin ang Video :