Sponsored Link


Cellsite para sa super bilis na internet speed, binuksan ng Globe

Sa kauna-unahang pagkakataon, simula nang kanilang bilhin mula sa San Miguel Corporation, sinubukan na ng telecom giant Globe Telecom ang cellsite na gumagamit ng 700mhz frequency.
Sa kanilang Facebook page ipinakita ng Globe ICON ang mga larawan ng cellsite na pinasubukan sa harap ng mga opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC).
Matatagpuan ang kauna-unahang fully operational cellsite sa DIliman, Quezon City.
Sa demonstrasyon, makikita umano ang bilis ng mobile internet speed na umaabot sa pagitan ng 60-100Mbps.
Sa naturang post pa rin, ipinangako ng Globe na marami pang mga lugar ang makakaranas ng mabilis na internet speed sa nalalapit na hinaharap.

Matatandaang noong nakaraang linggo, binili ng Globe at PLDT ang nasa 700 megahertz frequency mula sa San Miguel Corp. sa halagang 69.1 bilyong piso.