Sponsored Link


Duterte balak magtayo ng Government-owned Internet Connection System sa Pilipinas.

Sa kagustuhan ni Duterteng mabigyan ng magandang serbisyo ng internet ang mga mamayan ng bansang Pilipinas.

Layunin niyang mabigyan ng 100MBPS ang bawat consumer ng nasabing Internet System. Kung sakali mang mapatayo ang Internet Connection tatawagin itong Philippine National Internet (PNI).

Mababa rin ang magiging singil nito sa internet dahil sa ito ay pag-aari ng gobyerno at ang tao ang dapat na mabigyan ng importansya rito sabi ni Duterte,

Nais rin ni Duterte na matanggal ang Pilipinas sa listahan ng mga pinakamabagal na internet sa buong mundo. Ayon sa kanya, kung magkakaroon ng mabilis na internet sa bansa, maiiwasan ng mga kabataan ang magdroga.

Ayon rin kay Duterte, nais niyang maisakatuparan ang lahat ng kanyang mga pinangako sa taong bayan dahil ipinagkatiwala daw ng mga tao kung ano ang meron siya ngayon.

Pinangako niyang tatapusin niya ang pagkalat ng droga at mga krimen sa susunod na tatlo (3) hanggang (6) anim na buwan at yun ay kung tutulungan siya ng mga Pilipino.