Isang lalaki sa Fujian China ay naipit ang ulo sa Washing Machine, sinusubukan daw ayusin ng mamang ito ang washing machine dahil ayaw daw gumana kaya sinilip niya ang ilalim.
Pero hindi na daw niya natanggal ang kanyang ulo, kinailangan daw ng anim na tao at mahigit apat-na-pung minuto upang matanggal ang kanyang ulo sa pagkakaipit.
Nakapunta ang emergency team ng China sa kanyang tahanan at agad agad na inalis ang washing machine sa kanyang ulo. Ang lalaki ay halos mawalan na ng malay dahil sa pagkakaroon ng kakapusan sa hangin.