Sponsored Link


Globe at PLDT ipinatitigil sa CA ang imbestigasyon sa 70-B telco deal

Idinulog na ng PLDT at Globe Telecom sa Court of Appeals ang pagkuwestyon ng Philippine Competition Commission (PCC) sa pagbili ng dalawang kumpanya sa nasa 70-bilyong pisong halaga ng hindi ginagamit na telecommunications assets ng San Miguel Corp.

Giit naman ng Globe at PLDT, wala silang nilabag na anumang alintutunin o batas dahil nabuo ang transaksyon bago pa man ipalabas ng PCC ang implementing rules ang regulations ng Competition Law noong June 20.

Una rito, isinalang sa review ng PCC ang pagbili ng telco assets ng PLDT at Globe mula sa San Miguel noong May 30, 2016 na gagamitin umano ng dalawang kumpanya upang mapaganda ang serbisyo ng internet.

Gayunman, kinwestyon ng PCC ang naturang transaksyon dahil ipinag-bigay muna umano dapat ng ang mga ito ang magiging transaksyon sa gobyerno batay sa umiiral na Competition Law na isinabatas noong nakaraang taon.

Dismayado naman si PCC Chair Arsenio Balisacan sa paghahain ng reklamo sa korte ng dalawang telecommunications companies dahil lalo lamang aniyang tatagal ang resolusyon sa usapin.