Sponsored Link


5 Million Cakes, handa nang ipamigay mamaya.

Naalala nyo pa ba ang post na ito sa Facebook? Ito ang post ng Chef na si Chef Jack Labang ng Quims Cake, pitong buwan ng nakakaraan ng ipangako niya ang 5 Million worth of cake kung mananalo sa Eleksyon si Duterte. Ayon kay Chef Jack nagalit siya nung una na sinabi ni Duterte na hindi siya tatakbo sa pagkapresidente.

"So, doon ako parang hindi natuwa, parang lalabas na nagsisinungaling siya. How much more kung naging presidente na siya, so nagdesisyon ako at nagdare ako na it's about 5 million cakes kung manalo siya."

Naging Tapat naman si Chef Jack sa kanyang pangako, simula bukas ay uumpisahan na ng Quim's Cake ang pamimigay ng libreng cake.

Uumpisahan nila bukas ng 3PM hanggang 5PM ang pamimigay ng cake, subalit mayroong mechanics ang pagkuha ng Libreng Cake.

MECHANICS :
1. I-Like ang FB Page na "Quim's Cake"
2. I-Email ang pangalan, address at phone number sa quimscake@yahoo.com
3. Maghintay na ipost ang inyong pangalan sa FB Page ng Quim's Cake

Ang Registration ay First Come, First Served basis. Ayon kay Chef Jack, blessing in diguise ang nangyari dahil mas lalong lumaki ang kanilang benta.

"To be honest, maganda yung sales compare noong last years.

Kung kukwentahin ang Chocolate Moist Cake ay nagkakahalaga ng 800 pesos at 110 pesos ang kada slice. Sa 5 million pesos, lalabas na dapat magbigay sila ng 45,454 na libreng cake sa loob ng apat na taon subalit aabutin ito ng 37 years kung 100 slices lang ang ipamimigay dahil dalawang beses lang silang magbibigay ng cake sa isang buwan.

Mamimigay sila ng 50 cake bukas at ang sunod ay 15 araw hanggang sa matapos ang 5 million worth of cakes.