Sinabi ni Presumptive President-elect Rodrigo Roa Duterte, susuwayin niya ang Roman Catholic Church sa isusulong niyang three-child policy, na maaring magresulta sa muling banggaan nila ng mga obispo.
"I only want three (3) children for every family", pahayag ni Duterte nitong Linggo sa Davao City. "I'm a christian, but I'm a realist so we have to do something with our overpopulation.
80 porsyento ng 100 milyong populasyon ng Pilipinas ay mga Katoloko, pinakamarami sa buong Asya.
Noong Sabado, binatikos niya ang Simbahan na aniya'y "most hypocritical institution," dahil sa panghihimasok sa mga polisiya ng gobyerno at ang ilan sa mga obispo ay yumaman dahil sa mga mahihirap Pilipino.
"You sons of whores, aren't you ashamed? You ask so many favors, even from me," pahayag ni Duterte sa panayam ng GMA.